Heidelberg Catechism Lord's Day 7 (Questions 20-23)

25 de may. de 2024 · 1h 27m
Heidelberg Catechism Lord's Day 7 (Questions 20-23)
Descripción

Question 20: Nangangahulugan ba na ang lahat ng mga tao na napahamak kay Adan ay ligtas naman kay Cristo? Hindi, sila lamang na nakaugnay sa Kanya, at tumanggap ng lahat...

mostra más
Question 20: Nangangahulugan ba na ang lahat ng mga tao na napahamak kay Adan ay ligtas naman kay Cristo? Hindi, sila lamang na nakaugnay sa Kanya, at tumanggap ng lahat ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya.

Question 21: Ano nga ba ang tunay na pananampalataya? Ang tunay na pananampalataya ay tiyak na kaalaman na kung saan ay tinatanggap kong totoo ang lahat ng inihayag ng Diyos sa atin sa Kanyang Salita. At saka ito rin ay matatag na paninindigan na hindi lamang sa iba kundi pati ako ay pinagkalooban ng Diyos ng kapatawaran ng mga kasalanan, walang hanggang katuwiran at kaligtasan buhat lamang sa biyaya at alang-alang lamang sa kabutihang dulot ni Cristo. Ang pananampalatayang ito ay isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa aking puso sa pamamagitan ng ebanghelyo.

Question 22: Kung gayon, ano nga ba ang dapat na panampalatayanan ng isang Kristiyano? Lahat ng ipinangako sa atin sa ebanghelyo, na siyang itinuturo sa atin ng mga artikulo ng ating laganap at walang-alinlangang pananampalatayang Kristiyano sa binuod na pamaraan.

Question 23: Anu-ano ang mga artikulong ito? Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa. Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo, Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; na ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si Maria, nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno; sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; mula roon ay babalik Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu, sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan.
mostra menos
Información
Autor Treasuring Christ PH
Organización Treasuring Christ PH
Página web -
Etiquetas
-

Parece que no tienes ningún episodio activo

Echa un ojo al catálogo de Spreaker para descubrir nuevos contenidos.

Actual

Portada del podcast

Parece que no tienes ningún episodio en cola

Echa un ojo al catálogo de Spreaker para descubrir nuevos contenidos.

Siguiente

Portada del episodio Portada del episodio

Cuánto silencio hay aquí...

¡Es hora de descubrir nuevos episodios!

Descubre
Tu librería
Busca