Contactos
Información
Isang series of Bible study lessons (mahigit 50 lessons!) tungkol sa 129 questions and answers ng 1563 Heidelberg Catechism.
25 MAY. 2024
25 MAY. 2024 · HEIDELBERG CATECHISM LORD'S DAY 1
QUESTION 1: What is your only comfort in life and death? A. That I am not my own, but belong with body and soul, both in life and in death, to my faithful Savior Jesus Christ. He has fully paid for all my sins with his precious blood, and has set me free from all the power of the devil. He also preserves me in such a way that without the will of my heavenly Father not a hair can fall from my head; indeed, all things must work together for my salvation. Therefore, by his Holy Spirit he also assures me of eternal life and makes me heartily willing and ready from now on to live for him.
QUESTION 2: What do you need to know in order to live and die in the joy of this comfort? A. First, how great my sins and misery are; second, how I am delivered from all my sins and misery; third, how I am to be thankful to God for such deliverance
25 MAY. 2024 · HEIDELBERG CATECHISM LORD’S DAY 2
Q&A 3
Q. From where do you know your sins and misery?
A. From the law of God.
Q&A 4
Q. What does God’s law require of us?
A. Christ teaches us this in a summary in Matthew 22: You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. This is the great and first commandment. And a second is like it: You shall love your neighbor as yourself. On these two commandments depend all the Law and the Prophets.
Q&A 5
Q. Can you keep all this perfectly?
A. No, I am inclined by nature to hate God and my neighbor.
25 MAY. 2024 · Q&A 6
Q. Did God, then, create man so wicked and perverse?
A. No, on the contrary, God created man good and in his image, that is, in true righteousness and holiness, so that he might rightly know God his Creator, heartily love him, and live with him in eternal blessedness to praise and glorify him.
Q&A 7
Q. From where, then, did man’s depraved nature come?
A. From the fall and disobedience of our first parents, Adam and Eve, in Paradise, for there our nature became so corrupt that we are all conceived and born in sin.
Q&A 8
Q. But are we so corrupt that we are totally unable to do any good and inclined to all evil?
A. Yes, unless we are regenerated by the Spirit of God.
25 MAY. 2024 · Question 9
Masasabi bang hindi makatarungan ang Diyos sa tao kung nag-uutos Siya ng hindi naman kayang sundin ng tao dahil sa kanyang makasalanang kalagayan? Hindi; sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na may kakayahan sa pagsunod; ngunit dahil sa panunukso ng diyablo at ng kanyang sariling pagsuway, inalisan niya ang kanyang sarili at lahat ng kanyang magiging angkan ng kakayahang kaloob ng Diyos.
Question 10
Hahayaan ba ng Diyos na ang gayong pagsuway at pagrerebelde ay hindi mapaparusahan? Hinding-hindi. Siya ay lubhang galit sa ating orihinal pati na ang mga nagawang kasalanan. Lalapatan Niya ng kaukulang parusa sa kasalukuyang buhay at sa kabilang buhay ang lahat ng mga ito ayon sa Kanyang makatarungang hatol. Ipinahayag Niya sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.”
Question 11
Hindi ba mahabagin din ang Diyos? Totoong mahabagin ang Diyos, ngunit makatarungan din Siya. Hinihingi ng Kanyang katarungan, na ang kasalanan na nagawa laban sa kataas-taasang Diyos, ay nararapat na mahatulan ng pinakamatinding parusa, kaparusahang walang hanggan para sa katawan at kaluluwa.
25 MAY. 2024 · QUESTION 12
Yamang ayon sa matuwid na kahatulan ng Diyos ay nararapat lamang tayong parusahan sa buhay na ito at maging sa susunod, paano natin matatakasan ang kaparusahang ito at muling magiging katanggap-tanggap sa Kaniya?
Titiyakin ng Diyos na ang Kanyang katarungan ay matutugunan. Kaya nga dapat itong bayaran nang buo sa pamamagitan natin o ng iba.
QUESTION 13
Kaya ba nating bayaran ang pagkaka-utang na ito?
Hinding-hindi. Sa katunayan, araw-araw pa nga nating nadaragdagan ang ating pagkaka-utang.
QUESTION 14
Kaya ba tayong tubusin ng ibang nilalang rin lamang?
Hindi. Una sa lahat, hindi paparusahan ng Diyos ang iba pang nilalang para sa kasalanang tao ang may gawa. Bukod rito, walang sinumang nilalang lamang ang makakakaya ng tindi ng walang hanggang pagkapoot ng Diyos laban sa kasalanan at iligtas ang iba mula rito.
QUESTION 15
Anong uri ng Tagapamagitan at Tagpagligtas ang dapat nating hanapin?
Dapat siya ay tunay na tao at tunay na matuwid at higit na mas makapangyarihan kaysa lahat ng mga nilalang, samakatuwid, Siya ay dapat ring maging tunay na Diyos.
25 MAY. 2024 · Q16. Bakit kinakailangan na siya ay maging tunay na tao at tunay na matuwid? Siya ay kinakailangang maging tunay na tao sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang parehong kalikasang tao na nagkasala ang siyang dapat magbayad para sa kasalanan. Kinakailangan rin na siya ay maging matuwid sapagkat hindi kayang bayaran ng makasalanan ang kasalanan ng iba.
Q17. Bakit kinakailangang siya’y maging tunay na Diyos rin? Siya ay dapat maging tunay na Diyos upang sa pamamagitan ng kapangyarihang taglay ng kanyang kalikasan bilang Diyos ay makaya niyang dalhin sa kanyang kalikasang tao ang tindi ng poot ng Diyos, nang sa gayon ay makamtan at maibalik niya sa atin ang katuwiran at buhay.
Q18. Ngunit sino ang tagapamagitang ito na tunay na Diyos at tunay na taong matuwid? Ang ating panginoong Jesu-Cristo, na siyang ginawa ng Diyos na maging ating karunungan, katuwiran, kabanalan at katubusan.
Q19. Saan mo nakuha ang kaalamang ito? Mula sa banal na ebanghelyo, kung saan ang Diyos mismo ang nagpahayag nito doon sa Paraiso. Nang maglaon, inihayag niya rin ito sa pamamagitan ng mga patriarka at mga propeta, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng mga haing handog at iba pang mga seremonya ng kautusan. Sa wakas, ito’y kanyang ipinatupad sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak.
25 MAY. 2024 · Question 20: Nangangahulugan ba na ang lahat ng mga tao na napahamak kay Adan ay ligtas naman kay Cristo? Hindi, sila lamang na nakaugnay sa Kanya, at tumanggap ng lahat ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya.
Question 21: Ano nga ba ang tunay na pananampalataya? Ang tunay na pananampalataya ay tiyak na kaalaman na kung saan ay tinatanggap kong totoo ang lahat ng inihayag ng Diyos sa atin sa Kanyang Salita. At saka ito rin ay matatag na paninindigan na hindi lamang sa iba kundi pati ako ay pinagkalooban ng Diyos ng kapatawaran ng mga kasalanan, walang hanggang katuwiran at kaligtasan buhat lamang sa biyaya at alang-alang lamang sa kabutihang dulot ni Cristo. Ang pananampalatayang ito ay isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa aking puso sa pamamagitan ng ebanghelyo.
Question 22: Kung gayon, ano nga ba ang dapat na panampalatayanan ng isang Kristiyano? Lahat ng ipinangako sa atin sa ebanghelyo, na siyang itinuturo sa atin ng mga artikulo ng ating laganap at walang-alinlangang pananampalatayang Kristiyano sa binuod na pamaraan.
Question 23: Anu-ano ang mga artikulong ito? Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa. Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo, Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; na ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si Maria, nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno; sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; mula roon ay babalik Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu, sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan.
25 MAY. 2024 · Question 23: Anu-ano ang mga artikulong ito [na kailangang paniwalaan ng isang Cristiano]?
I. (1) Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa.
II. (2) Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo, Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; (3) na ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si Maria, (4) nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno; (5) sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; (6) umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; (7) mula roon ay babalik Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay.
III. (8) Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu, (9) sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, (10) sa kapatawaran ng mga kasalanan, (11) sa muling pagkabuhay ng katawan, (12) at sa buhay na walang hanggan. Question 24: Paano nahahati ang mga artikulong ito? Sa tatlong bahagi: ang una ay patungkol sa Diyos Ama at ang ating pagkalikha; ang pangalawa ay patungkol sa Diyos Anak at ang ating kaligtasan; ang pangatlo ay patungkol sa Diyos Espiritu Santo at ang ating pagiging banal.
Question 25: Kung iisa lang nga ang Diyos, bakit may binabanggit kang tatlong persona, Ama, Anak, at Banal na Espiritu? Sapagkat sa ganitong pamaraan ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang Salita: ang tatlong magkakaibang mga persona na ito ay Siyang nag-iisa, tunay at walang pasimula’t walang hanggang Diyos.
25 MAY. 2024 · Question 26. Ano ang pinaniniwalaan mo kapag sinasabi mong: “Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa?” Na ang walang pasimula’t walang hanggang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siya ring lumikha mula sa wala ng langit at ng lupa at ang lahat ng naroroon, at patuloy na nag-aalalay at namamahala ng mga ito sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang panukala at pagkalinga, ay aking Diyos at Ama alang-alang kay Cristo na kanyang Anak. Sa kanya ako ay nagtitiwalang lubos kung kaya’t wala akong pag-aalinlangan na ipagkakaloob niya sa akin ang lahat ng bagay na kailangan ng aking katawan at kaluluwa, at gagamitin rin niya para sa aking ikabubuti ang anumang pagsubok na ipapadala niya sa akin sa mapighating buhay na ito. Kaya niyang gawin ito dahil siya ay ang makapangyarihang Diyos, at ibig niya ring gawin ito dahil siya’y isang matapat na Ama.
Isang series of Bible study lessons (mahigit 50 lessons!) tungkol sa 129 questions and answers ng 1563 Heidelberg Catechism.
Información
Autor | Treasuring Christ PH |
Organización | Treasuring Christ PH |
Categorías | Cristianismo |
Página web | - |
treasuringchristph@gmail.com |
Copyright 2024 - Spreaker Inc. an iHeartMedia Company